Top Rated Vitiligo Concealer

Vitiligo Makeup – Long Lasting Camouflage

Vitiligo Makeup – Long Lasting Camouflage

Isang makabago at natatanging camouflage ang Zanderm na buong-pagmamahal na ginawa partikular sa mga taongmay vitiligo. Kami sa Zanderm ay naniniwalang dapat makatulong ang mga kosmetiko sa mga tao. Ginawa namin ang Zanderm Vitiligo Concealer bilang praktikal at kumbinyenteng paraan upang itago ang mga puting batik kumpara sa mga tradisyonal na kosmetikong solusyon. Sa pamamagitan ng aming labing-apat na natatanging shade, nag-aalok kami ng iba’t ibang applicator para sa iba’t ibang kulay ng balat.

Matuto Nang Higit Pa I-play ang Video

MGA TAMPOK AT BENEPISYO

Nasubok at Aprubado ng Dermatologist

Punung-puno ng mga natural na sangkap ang Zanderm at walang pabango, mga langis, paraben, o sangkap na mula sa silicone.

Walang Kalat

Makipagkamay. Yumakap. Magsuot ng salamin. Tumakbo sa ulan. Sagot ka ng Zanderm.

Walang Stress

Mabilis matuyo ang Zanderm. Kapag naipahid na, parang balat sa pakiramdam—at mukhang balat—ang Zanderm.

Banayad

Ipakita ang pinakamaganda mong hitsura nang hindi nangangati ang balat. Ang Zanderm ay sapat na banayad para sa araw-araw na paggamit at para sa madalas na pagpapahid.

Ginawa para sa Lahat

{{text35}

Nagtatagal

Hindi kaagad nabubura ng pawis at nagmamantsa ang Zanderm, na nagbibigay sa iyo ng mahusay na pantakip buong araw. Iba’t iba ang mga resulta sa iba’t ibang tao.

Madali

Hindi mo kailangang maging isang eksperto sa makeup upang magamit ang Zanderm.

Simple

Zanderm ang tanging camouflage sa vitiligo na kakailanganin mo. Hindi mo na kakailanganing maghalo at magtugma ng mga mamahaling camouflage o mga stage makeup na produkto. Maraming malalagyang balat ang bawat applicator.

Mga Madalas Itanong

Paano ko hahanapin ang kulay ko?

Idinisenyo namin ang aming mga pansubok ng kulay para sa layuning iyon. Subukan ang kulay sa isang maliit na lugar. Tingnan ang aming mga pansubok ng kulay dito sa: https://zanderm.com/vitiligo-concealer/color-tester/.

 

Gaano katagal nagtatagal ang Zanderm?

Magkakaiba ang balat ng bawat tao. Natural na mawawala ang kulay sa paglipas ng panahon.

Gaano katagal nagtatagal ang isang applicator?

Nagtatagal ang kaunting Zanderm. Nakadepende ito sa kung gaano kalaki ang kailangan mong takpan, at kung gaano kadalas mo ito gagamitin.

Magagamit ko ba ang Zanderm kasabay ng UV light na therapy?

Walang lamang SPF ang Zanderm. Wala kaming natatanggap na ulat na may epekto ang Zanderm sa UVA light na therapy. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin, inirerekumenda namin ang pagkonsulta sa iyong dermatologist.

Ligtas bang gamitin ang Zanderm?

Nasubok at aprubado ng dermatologist ang banayad na formula ng Zanderm.

Pinoprotektahan ka ba ng Zanderm mula sa araw?

Walang iniaalok na SPF na proteksyon ang Zanderm. Maaari kang maglagay ng sunscreen sa ibabaw ng Zanderm.

Paano kung wala akong makitang shade na tugma sa kulay ng balat ko?

Camouflage ang Zanderm at hindi isang makeup. Huwag mag-atubiling punan ang sumusunod na link, makikipag-ugnayan sa iyo ang isa sa aming mga espesyalista sa cosmetic nang may mga rekomendasyon sa kulay :https://zanderm.com/help-me-find-my-shade/

Paghahanda bago ang paggamit

Paghahanda bago ang paggamit

Pinakamahusay na gumagana ang Zanderm sa tuyong balat. Dapat mong tanggalin ang lahat ng makeup, lotion, langis, o moisturizer bago gamitin ang Zanderm.

Tip: Mahusay na tool na magagamit ito kasama ng iba pang mga applicator upang mag-touch up kung saan ang may kulay na balat ay katabi ang vitiligo.
Tip: Napansin ng ibang mga tao na kailangan nila ng iba’t ibang shade para sa ibang mga bahagi ng kanilang katawan.
Tip: Kapag nagpahid ng maraming layer, umiitim ang kulay.

Pansubok ng Kulay ng Zanderm

Magsimula gamit ang isang test patch
Para sa pinakamahusay na resulta, tiyaking malinis at tuyo ang balat
Gamitin ang applicator upang gumuhit ng pinong linya o lagyan ang isang maliit na bahagi
Gumamit ng tisyu upang alisin ang anumang sobrang solution

Zanderm Precision/Wide na Applicator

Para sa pinakamahusay na resulta, tiyaking malinis at tuyo ang balat
Marahang idampi ang applicator upang ma-activate sa unang pagkakataon (Para sa wide na applicator lang)
Marahang ipahid sa mga lugar na nawalan ng kulay
Pinakamahusay ang resulta ng Zanderm kapag pino at banayad ang mga pagpahid
Isara nang mahigpit kapag hindi ginagamit